Posted April 14, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ngayon ni Boracay PNP Chief
PSInspector Mark Evan Salvo kaugnay sa umano’y muntik nang pambibiktima ng Budol-budol
sa Boracay nitong nakaraang araw.
Ayon kay Salvo, magkaiba ang Money Switching at
Budol-budol, kung saan, bilis ng kamay sa switching o pagpalit ng pera ang
ginagamit ng suspek at saka magrereklamong kulang ang sukli.
May panloloko naman umanong nagaganap sa
Budol-budol, at kadalasang malaking halaga ng pera ang nakukuha sa mga biktima.
Samantala, may lead at nakaalerto na rin umano sila
tungkol sa nasabing money switching kung saan nabatid na isang grupo mula sa
Bulacan ang tumangkang mambiktima ng isang may-ari ng restaurant sa Barangay
Balabag nitong Biyernes.
No comments:
Post a Comment