Posted April 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kahapon, isa-isang
nagpahayag ng kanilang kahandaan para sa kaligtasan ng mga turista ang taga
Boracay PNP, Philippine Coastguard, Maritime Police, Philippine Army Task Group
Boracay, Boracay Fire Protection Unit, Municipal Auxiliary Police.
Ayon kay Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan
Salvo, naka heightened alert na rin sila subali’t muling nanawagan ng suporta
mula sa iba pang miyembro ng BAG.
Nagpahayag din ng buong suporta sa law enforcement
sa isla si Captain Harrison Toquero ng Task Group Boracay, habang personnel
deployment at fire truck visibility naman maliban pa sa fire safety inspection ang
ipinangako ni Boracay Bureau of Fire Protection Unit Inspector Joseph Cadag.
Samantala, sinabi naman ni Coastguard Boracay
Sub-station Commander Chief Petty Officer Arnel Sulla na nakahanda na rin ang kanilang
passenger assistance center sa Caticlan at Cagban Jetty Port, habang security
augmentation sa Ro-Ro Terminals naman ang ipinangako ni Police Inspector
Azarcon ng Maritime Police.
Nagpasalamat naman ang LGU Malay sa pamamagitan ni
SB Member Rowen Aguiree sa kahandaan ng mga nasabing ahensya para sa pagdagsa
ng mga turista ngayong Semana Santa.
No comments:
Post a Comment