Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasabay ng pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay ngayong
summer ang paglabasan rin ng mga pekeng pera.
Katunayan, isang negosyante sa isla ng Boracay ang
dumulog sa himpilan ng Boracay PNP kahapon ng umaga para ireklamo ang nasabing
insidente.
Ayon sa report ng Boracay PNP, napansin umano ng biktimang
si Remes Gines na tila kakaiba ang kaniyang isang libong pesong pera kumpara sa
iba pa nitong pera.
Dahil dito agad umano niyang pinatingnan sa isang
pawnshop sa Boracay ang nasabing pera kung ito ba ay peke o hindi at doon nga nito
nadiskubrihan na ang kaniyang buong isang libong pesong pera ay walang
pakinabang.
Napag-alaman na ang pekeng pera ay ibinayad sa kanila ng
isang hindi nakilalang customer na bumili sa kanila ng litsong manok.
Samantala, pinayuhan naman ng mga otoridad ang lahat ng
mga business establishment sa Boracay na tingnang mabuti ang mga perang
ibinabayad sa kanilang ng kanilang mga customer.
No comments:
Post a Comment