Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inilabas na ng Mayor’s office nang Malay ang ordinansa
kaugnay sa pagbabawal ng “parties at loud music” sa Boracay ngayong Semana
Santa.
Ito’y basi sa nakasaad na Executive Order No. 010 series
of 2014 kung saan nagdedeklara ng non-issuance of permit para sa pagkakaroon ng
anumang okasyon o aktibidad sa Boracay ngayong Biyernes Santo, sang-ayon sa SB
resolution No, 015, Series of 2009.
Ang bise-alkalde ng Malay na si Welbec Gelito at ngayo’y
acting Mayor ang siyang pormal na nag-uutos sa lahat ng Municipal Departments upang
ipagbawal ang pagbibigay ng anumang permit sa mga establishment owners para sa anumang
okasyon sa nasabing araw.
Ang nasabing ordinansa ay epektibong ipapatupad simula
alas-6 ng umaga ngayong Biyernes Santo hanggang alas-6 din ng umaga ng Sabado
de Gloria.
Dahil dito mag-momonitor naman ang Malay Auxiliary Police
(MAP) sa pakikipagtulungan ng lahat ng law enforcement agencies sa isla ng
Boracay para bigyan ng aksyon kung sino man ang hindi tumupad sa nasabing
ordinansa.
Samantala, nakasaad rin sa Section 3 ng Municipal
Ordinance No. 276, Series of 2009 ang pinalidad kaugnay sa nasabing kautusan
kontra sa anumang “noise generation activity” ng paglabag sa anti-noise
pollution ordina.
No comments:
Post a Comment