Posted April 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dinagsa ng mga debotong Katoliko ang selebrasyon ng Linggo
ng palaspas sa Boracay kahapon.
Ayon kay HRP o Holy Rosary Parish Team Mediator Father
Arnold Crisostomo, mas marami ang mga dumalo sa misa kahapon kumpara sa
nakaraang taong pagdiriwang ng Linggo ng palaspas.
Kapansin-pansin kasi ang mga taong siksikan sa labas ng
simbahan na nag-abang sa misa at sa pagpapabendisyon ng kanilang dalang
palaspas.
Sinabi pa ni Crisostomo na patunay lamang ito na marami
ang tao sa Boracay ang nais makibahagi sa pagdiriwang ng Semana Santa sa kabila
ng pagiging abala ng mga ito.
Ang Linggo ng palaspas ang siyang unang araw ng Semana
Santa bilang paggunita sa matagumpay na pagpasok ni Hesu Kristo sa Herusalem.
No comments:
Post a Comment