Posted April 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
May posibilidad na maglaan ang Department of
Transportation and Communication (DOTC) ng isang helicopter sa isla ng Boracay
at Caticlan.
Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Station Commandant Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno kaugnay sa kauna-unahang pagkakaroon ng Search and Rescue (SAR) Base ng coastguard sa Roxas City sa Capiz.

Ayon kay Vingno, sa ginanap na groundbreaking
ceremony nitong Sabado, sinabi ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas
na napili ang siyudad ng Roxas bilang base ng SAR ay dahil nasa sentro ito ng
mga sea lanes ng bansa kung saan malapit sa airport at iba pang mga ahensya ng
gobyerno.
Ito na rin umano ang syang magiging base para sa
mga Search and Rescue Operations sa Visayas Region.
Samantala, ang nasabing base ng coastguard ay
nagkakahalaga ng 211 million na inaasahang namang matatapos ngayong taon.
Kasama rin umano ni Roxas na dumalo sa nasabing
ground breaking ceremony si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, kung saan sinabi din nito na “SAR base strategic” ang pagkakapili ng Roxas City bilang
lokasyon.
No comments:
Post a Comment