Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inilabas na ng Mayor’s office nang Malay
ang ordinansa kaugnay sa pagbabawal ng “parties at loud music” sa Boracay
ngayong Semana Santa.
Ito’y base sa nakasaad na Executive Order
No. 010 series of 2014 kung saan nagdedeklara ng non-issuance of permit para sa
pagkakaroon ng anumang okasyon o aktibidad sa Boracay ngayong Biyernes Santo,
sang-ayon sa SB resolution No, 015, Series of 2009.
Ang bise-alkalde ng Malay na si Welbec
Gelito at ngayo’y acting mayor ang siyang pormal na nag-uutos sa lahat ng
Municipal Departments na ipagbawal ang pagbibigay ng anumang permit sa mga
establishment owners para sa anumang okasyon sa nasabing araw.
Ang nasabing ordinansa ay epektibong
ipapatupad simula alas-6 ng umaga ngayong Biyernes Santo hanggang alas-6 din ng
umaga ng Sabado de Gloria.
Dahil dito mag-momonitor naman ang Malay
Auxiliary Police (MAP) sa pakikipagtulungan ng lahat ng law enforcement
agencies sa isla ng Boracay para bigyan ng aksyon kung sino man ang hindi
tumupad sa nasabing ordinansa.
Samantala, nakasaad rin sa Section 3 ng
Municipal Ordinance No. 276, Series of 2009 ang kaukulang penalidad kaugnay sa
nasabing kautusan.
No comments:
Post a Comment