Posted
April 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
All set na ang mga major events ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay
ngayong Semana Santa.
Katunayan, isang open recollection ang gaganapin ngayong alas 6:00 ng
gabi ng Miyerkules sa mismong simbahan.
Base sa schedule of activities ng HRP Boracay, isang misa sa alas 4:00
ng hapon bukas ang gaganapin bilang paggunita sa huling hapunan o Last Supper
ni Kristo Hesus.
Inaabangan na rin ng mga debotong Katoliko sa isla ang Live Station of
the Cross na magsisimula alas 6:00 ng umaga sa Sitio Angol Manoc-manoc at
dadaan sa beach front hanggang Barangay Balabag.
Maaalalang maraming mga turista dito ang sumasabay sa nasabing aktibidad
dahil may maikli itong live drama o pagsasadula sa bawat estasyon.
Samantala, nilinis at inihanda na rin ang karo ng Santo Entierro o ang
karo ng bangkay ni Kristo Hesus, para sa gaganaping prosesyon sa araw ng
Biyernes.
Tutuldukan naman ang selebrasyon ng Semana Santa sa pamamagitan ng Easter Vigil Mass sa alas 8:00 ng Sabado de Gloria, at "Salubong" na susundan ng mga misa sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.
No comments:
Post a Comment