Posted April 15, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Himas-rehas ngayon dahil sa panggugulo ang isang
Turkistan sa Boracay matapos ireklamo ng isang caretaker.
Ayos sa report ng Boracay PNP, sinira ng Turkish
national na si Umit Turker ang bintanang salamin ng bahay sa loteng
pinagtatrabahuan ng nagreklamong caretaker.
Lumalabas din sa imbestigasyon na bandang alas dos kahapon
ng madaling araw ay nagsisigaw umano itong turista sa labas ng bahay at maliban
sa pambabato ng bintana ay sinipa din umano nito ang main door ng bahay.
At nang makapasok na rin ito sa loob ng nasabing
bahay ay kinuha nito ang isang shoe rack at pinaghahampas sa sahig.
Samantala, hindi naman malinaw sa ngayon ang
dahilan ng Turkistan kung bakit nagawa nitong manira ng gamit.
No comments:
Post a Comment