Posted April 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Mahilig ka bang manood ng pelikula,
tele-nobela, o kaya’y cartoons sa TV?
Naka schedule na ba ang pagbi-videoke nyo
ng tropa ngayong bakasyon?
Kung ganon, huwag ka sanang madidismaya
sakaling bigla na lamang mag-brown out o mawalan ng suplay ng kuryente sa
inyong lugar.
Makakaranas kasi ng load shedding sa suplay
ng kuryente ang ilang lugar sa Aklan simula ngayong araw hanggang sa araw ng
Lunes, April 21.
Base sa advisory ng Aklan Electric
Cooperative (AKELCO).
Nakakaranas ng over loading ang Panit-an
Substation Transformer ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines,
dahil sa umano’y paunti-unting pagbalik sa normal ng demand sa suplay ng
kuryente ng probinsya lalo na sa isla ng Boracay, dulot naman ng kanilang 138
kV transmission line restoration project.
Kaugnay nito, aasahan umano ang biglang
power interruption lalo na sa gabi, kung saan mataas ang demand sa kuryente.
Nilinaw naman ng AKELCO na maaaring matuloy
o hindi ang schedule ng load shedding depende sa alokasyon ng NGCP.
Samantala, pasok naman ang Boracay
Substation sa mga lugar sa Aklan na makakaranas ng load shedding, katulad ng Altavas,
Lezo, Madalag, Nabas, Kalibo, at maging ang ilang bahagi ng Antique.
No comments:
Post a Comment