Posted April 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Photo credit by securitymatters.com |
Atensyon sa lahat ng mga establisemyento, mga souvenir
shops at lahat ng tindahan sa isla ng Boracay.
Pinag-iingat ngayon ng mga taga Boracay PNP ang lahat sa
umano’y modus ng Budol-budol Gang.
Kaugnay ito sa inireport ng isang may-ari ng restaurant
sa Barangay Balabag kaninang umaga na umano’y pambibiktima sana sa kanya ng
isang bading na kustomer.
Base sa kanyang salaysay sa presento, bumili ang nasabing
customer ng isang kahang sigarilyo at nagbayad ng 500 pisong buo.
Susuklian na umano sana nito ang bading subali’t
nagdesisyon itong hindi na bibilhin ang sigarilyo, kung kaya’t ibinalik nito
ang pera sa kanya.
Kinalauna’y nagtanong aniya ang bading kung magkano ang
kanyang ibinalik na pera, habang hawak ang buong 20 pesos.
Subali’t hindi nakalusot ang diskarte ng bading nang
ibuking nya ito.
Nakita pala kasi nito na hinulog ng bading ang 500 piso at
inilabas ang 20 pesos sabay iginiit na iyon ang kanyang natanggap.
Samantala, bigla umano nitong iniba ang usapan at nagpalusot
na pinababaryahan lamang nito ang ipinakitang 20 pesos at saka umalis, matapos
mabuking.
No comments:
Post a Comment