Posted April 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na para sa taong 2014 hanggang 2016 ang mga
priority projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Aklan.
Ito ang naging pahayag ni Public Works and Highways
Secretary Rogelio Singson sa ang kaniyang pagbisita sa probinsya ng Aklan
kasama si DPWH Reg. Dir. Eduardo Tayao.
Aniya, mahigit sa P1.2 billion umano ang kanilang inilabas
na pondo para lamang sa mga proyekto ng Aklan sa mga nasabing taon.
Nabatid na layunin umano ng kanilang pagbisita sa
probinsya ay para sa mga implementasyon ng mga infrastructure projects.
Sinabi pa nito na prayoridad ng kanilang ahensya ngayon
ang pagsasaayos ng national road at mga tulay sa probinsya, kabilang na ang
Kalibo circumferential road at expansion ng Kalibo International Airport (KIA).
Samantala, umaasa naman ang Provincial Government ng
Aklan na lalo pang makakatulong sa pagtaas ng turismo sa probinsya ang mga
proyekto ng DPWH.
No comments:
Post a Comment