Posted April 14, 2014
Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
Isabuhay ang mga sakripisyo ni Kristo Hesus ngayong
Semana Santa.
Ito ang panawagan ni Father Nonoy Crisostomo ng HRP o
Holy Rosary Parish Boracay kahapon kasabay ng paggunita sa pagpasok ni
Hesukristo sa Jerusalem na tinatawag ding Linggo ng Palaspas.
Sa ginanap na misa kahapon ng umaga sa mismong simbahan
ng HRP Boracay, hinimok ng nasabing team ministry mediator ang mga Katoliko sa
isla na pagnilay-nilayan ang mga karakter o personalidad ng mga taong tampok sa
pagdiriwang ng Semana Santa.
Partikular na ipinaalala nito sa mga debotong Katoliko
ang pakikiisa sa Panginoong Hesus, na tumanggap ng misyon para sa kaligtasan ng
sanlibutan.
Samantala, nagpaanyaya din si Father Crisostomo hindi
lamang sa mga lokal na residente sa isla kungdi maging sa mga turista na taos-pusong
makilahok sa mga aktibidad ng simbahan ngayong linggo.
No comments:
Post a Comment