YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 19, 2014

Waiter, pinaulanan ng bato sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Mag-ingat sa iyong paglalakad lalo na kapag gabi at baka hindi tinapay ang ma-ibabato sa’yo kundi ang matigas na bato”.

Ito’y matapos na bukol sa noo ang inabot ng isang waiter sa Boracay nang sa hindi malamang rason ay bigla na lamang umano syang pinagbabato ng bato habang papauwi sa kanilang Boarding House sa So. Bantud, Manoc-manoc, Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station, kasama umano ng biktima ang kanyang kaibigan na naglalakad nang pagbabatuhin ng mga hindi nakilalang mga suspek.

Pahayag ng ilang mga taga Boracay PNP station, dapat umano na mahuli ang mga gumagawa ng ganitong bagay kung saan nabatid din na nitong mga nagdaang araw ay pinagdidiskitahan ang mga dumadaan sa nasabing lugar lalo na sa mga turista na nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Kasalukuyan naman sa ngayong nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing pangyayari.

No comments:

Post a Comment