Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay PNP
Station, nabatid na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang nasabing security
guard nang tangka sana nitong kasahin ang kanyang baril at aksidenteng makalabit
ang gatilyo.
Nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kaliwang
hita ang biktima, kung saan ayon sa inisyal na impormasyon ng Boracay PNP
station ay naubusan ito ng dugo sanhi para siya ay bawian ng buhay.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga otoridad ang nabanggit
na insedente.
No comments:
Post a Comment