Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaaring maharap sa ibat-ibat penalidad ang mga fire dancing show sa
Boracay sakaling sila'y lumabag sa batas ng LGU Malay.
Ito’y kung maipapasa na ang ordinansang ini-akda ni SB Malay Frolibar
Bautisata na nagre-regulate sa mga fire dancers sa isla.
Maaaring maharap sa kaukulang pinalidad ang mga fire dancing show
sakaling mapag-alam na mayroon silang mga nilabag na batas o kung anong uri ng
gawain na nakakasira sa turismo.
Una nang pinangangambahan ng Department of Tourism ang nasabing
aktibidad dahil sa kanilang ginagamit na gas na nakakasira sa puting buhangin
ng isla.
Sa ngayon inaantay pa ang magiging resulta ng nasabing ordinansa sa
second reading sa susunod na session ng SB Malay.
Ang fire dancing show ay isang malaking atraksyon sa isla ng Boracay sa
tuwing pagsapit ng gabi na makikita sa beach front ng isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment