YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 17, 2014

Mga turistang sakay ng MS Costa Victoria, mainit na sinalubong sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mainit na sinalubong ng mga taga Boracay ang mga turistang sakay ng MS Costa Victoria na dumating kaninang alas-siyete ng umaga.

Sakay nito ang mahigit sa 2, 300 na mga turista mula sa ibat-ibang bansa kabilang na ang 800 na mga crew.

Ayon sa Caticlan Jetty Port Administration, karamihan sa mga turista ay nagkaroon ng island hopping at naligo sa long beach area.

Pinaigting naman ng Municipal Auxiliary Police o MAP ang traffic enforcement sa nararanasang trapiko sa main road Balabag dahil sa isinasagawang drainage construction.

Kaugnay nito pinaalalahanan naman ng cruise enforcement team ang mga pasaherong sakay ng cruise ship tungkol sa tamang pamasahe kung sila ay sasakay ng tricycle para maiwasan ang anumang panloloko.

Ang MS Costa Victoria ay nauna ng bumisita sa Boracay nitong nakaraang buwan ng Enero dala ang maraming turista.

No comments:

Post a Comment