Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Gugunitain ng mga taga Boracay ang unang
anibersaryo ng pagkamatay ni Ati Spokesperson Dexter Condez ngayong araw.
Kung saan isang misa ang iaalay ng mga taga Ati
Community para kay Condez na gaganapin mismo sa Ati Village sa Sitio. Lugutan
Manoc-manoc Boracay.
Ayon naman sa mga taga pangasiwang Madre ng Ati
Community sa isla, matapos umano ang isasagwang misa ay tutungo sila sa lugar
kung saan pinaslang si Condez.
Patuloy namang umaasa ang mga katutubong Eta na
mabibigyan na nang hustisya ang pagpaslang sa kanilang Spokesperson.
Samantala, maituturing naman na heroic ang pagkamatay
ni Condez, dahil nagdala ito ng maraming bagay upang makita rin ang totoong
estado ng mga Ati sa isla at pinaslang ito habang ipinaglalaban ang kanilang
karapatan para sa kanilang komunidad.
Matatandaang nangyari ang pagpatay kay Condez noong
Pebrero bente dos ng nakaraang taon, habang naglalakad ito pauwi sa kanilang
Village sa nasabing lugar.
Siya rin ang tumatayong spokesman ng mga taga BATO
o Boracay Ati Tribal Organization at nakipaglaban para sa ancestral domain ng
mga aeta sa Boracay.
No comments:
Post a Comment