Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Maging ang Department of Tourism o DOT Boracay ay
dismayado na rin sa pagdami ng mga banyagang biktima ng petty crimes sa isla.
Ayon kay DOT Boraray Officer In-charge Tim Ticar, pangit
sa imahe ng Boracay ang pagtaas ng bilang ng mga turistang nabibiktima ng
kriminalidad katulad ng snatching, pick pocketing at mauling incidents o
pambubugbog.
Sinabi pa ni Ticar na nakapag-usap na sila ng bagong
Boracay PNP Chief na si Senior Inspector Mark Evan Pedregosa Salvo tungkol
dito.
Kung saan magiging hamon umano ito sa bagong hepe ng
Boracay PNP na halos isang linggo pa lamang sa kanyang panunungkulan.
Samantala, sinabi naman umano ni Salvo sa kaniya na
gagawa sila ng aksyon para maiwasan ang pambibiktima sa mga dayuhang turista.
Tiwala naman si Ticar na magagawan ito ng paraan ng hepe
dahil sa wala din umanong tigil ang ginagawang pagpapatrolya ng mga kapulisan
sa Boracay.
Nabatid na patuloy sa ngayon ang ginagawang pagpupulong
ni Salvo sa ibat-ibang stakeholders sa Boracay para malaman ang kanilang
hinaing tungkol sa siguridad ng isla.
No comments:
Post a Comment