Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinababahala ng Aklan Provincial Police Office o APPO
ang pagtaas ng bilang ng mga turistang nabibiktima ng kriminalidad sa Boracay.
Simula ng pumasok ang taong 2014 sunod-sunod na mga
insidente ang naitala ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC na
kinasasangkutan ng mga banyagang turista.
Kabilang sa mga ito ay mga petty crimes katulad ng
mauling incidents, pick pocketing, robbery at ang pagpapakamatay.
Ayon sa Aklan Provincial Police Office, maaaring gumawa
sila ng hakbang para masolusyonan ang nasabing problema na posibleng makasira
sa turismo ng isla ng Boracay.
Kamailan lamang ay isang habal-habal driver ang kinasuhan
matapos nitong gahasain ang isang foreigner sa Boracay.
Posible namamg maging hamon ito sa bagong PSInspector ng
Boracay na si Mark Evan Pedregosa Salvo.
Samantala, pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga taga
Boracay na tumulong para masugpo kung sino man ang gumagawa ng nasabing krimen.
No comments:
Post a Comment