Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sugatan ang dalawang driver ng motorsiklo at
dalawang back rider nito matapos na magkarambola sa Manoc-manoc Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP Station, bandang ala
una kaninang madaling araw habang binabaybay ni CJ Barrido, 25, ng San Juan
Metro Manila ang nasabing lugar papuntang Balabag Boracay, nang di umano’y
nakasalubong naman nito ang isang motorsiklo na minamaneho ni Harold Magracia,
34, ng San Andres Romblon sakay ang dalawang back riders.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Boracay PNP na naganap
ang aksidente matapos na tumawid umano sa magkabilang direksyon ang motorsiklong
minamaneho ni Magracia rason na nabigla ang kasalubong nitong sasakyan kaya’t
nawalan ng kontrol at nagkabanggaan.
Samantala, ine-refer naman sa Brgy. Justice System
ang nasabing pangyayari para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment