Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station,
hating-gabi kanina nang magising umano si Anthony at hinanap ang kanyang iPhone
na cellphone na nakalagay sa taas ng kanilang telebisyon.
Subalit, nabigla na lamang umano ito na nawawala na
ang nasabing cellphone.
Nang halungkatin ng mga biktima ang divider sa
kanilang kwarto ay laking gulat din umano nila na nawawala rin ang kanilang
wallet at perang nagkakahalaga ng 15, 000 pesos.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon
ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.
No comments:
Post a Comment