Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Target na rin umano ngayon ng Department of Tourism
(DOT) na madagdagan ang international flights sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer In Charge,
Tim Ticar.
Aniya, malaki umano ang maitutulong nito lalo na sa
mga turista na nais pumunta at magbakasyon sa isla kung saan hindi na
mahihirapan sa byahe.
Ilan kasi sa mga turistang dumadayo sa Boracay ay
dumadaan pa ng Maynila kung saan nagkakaroon pa ng aberya minsan sa oras dahil
sa traffic.
Samantala, sinabi rin ni Ticar na kapag
madadagdagan na umano ang mga international flights sa Boracay ay dadagsa rin
ang mga turista kung saan manghihikayat rin ito ng mga investors upang magpatayo ng negosyo dito.
Kaugnay nito, marami rin umanong magbubukas ng
trabaho hindi lamang sa mga Aklanon kundi pati na rin sa mga nais
makapagtrabaho sa Boracay.
Samantala, muli namang ipinasiguro ni Ticar na
tuloy-tuloy ang kanilang mga programa upang mas lalo pang makilala ang isla
bilang numero unong beach destination sa mundo.
Humihingi naman ito ng kooperasyon sa publiko para
sa patuloy na ikakaganda ng isla lalo na’t tinitingnan din ngayon ng DOT ang
pagdaong di umano ng tatlong mga first class na cruise ship sa Boracay sa
darating na Marso.
No comments:
Post a Comment