Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masayang nakatulong ang SB Malay sa anim na bayan sa
Aklan na matinding hinagupit ni Super Typhoon “Yolanda” nitong nakaraang taon.
Kahapon ay pormal na natanggap ng SB Malay ang sulat na naglalaman
ng pasasalamat mula sa anim na bayan sa Aklan na kanilang nabigyan ng financial
assistance.
Kabilang sa mga ito ay ang bayan ng Banga, New Washington,
Libacao, Altavas, Balete at Batan mula sa limang porsyentong calamity fund ng
munisipalidad ng Malay.
Nabatid na tig-iisang daang libong piso ang ibinigay ng
LGU Malay sa mga nabanggit na bayan kung saan nakaranas ng matinding pananalasa
ni Yolanda.
Samantala, nauna nang nagpaabot ng pormal na pasasalamat
ang bayan ng Banga sa lokal na pamahalaan ng Malay na agad namang sinundan ng
bayan ng Balete at New Washington.
Matatandaang na napagkasunduan ng SB Malay ang pagbibigay
ng tulong sa mga kababayan sa Aklan na naapektuhan ng bagyo.
Sinabi pa ng SB Malay na bago nila tulungan ang ibang
lugar sa bansa ay mas gusto muna nilang unahing tulungan ang kanilang province
mate sa oras ng pangangailangan.
No comments:
Post a Comment