Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakapagtala ang Department of Tourism o DOT ng
pinakamaraming turistang sakay ng cruise ship na dumaong sa isla ng Boracay.
Ang MS Costa Victoria na dumating bandang alas-siyete ng
umaga kanina ay may sakay na mahigit 2, 000 na mga pasahero na nag-island cruise
tour sa Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ito ang
kauna-unahang barko na maraming mga pasahero ang bumaba mag island hopping at
mamasyal sa ibat-ibang lugar sa isla.
Aniya, kinulang sila ng mga staff na magbibigay ng sombrero
at lei sa mga turistang bumababa mula sa nasabing cruise ship dahil sa sobrang
dami ng mga ito.
Hindi naman nag pahuli sa pag-welcome ang Provincial
government maging ang LGU Malay sa mga turista kung saan kusa na rin silang tumulong
sa pagsabit ng lei sa mga bisita.
Dakong alas-dos ng hapon kanina ang departure ng MS Costa
Victoria sa isla ng Boracay diritso sa kanilang susunod na destinasyon sa Hong
Kong.
Nabatid na ito ang pinakahuling cruise ship na dumaong sa
Boracay ngayong buwan ng Pebrero at inaasahang tatlo pang mga cruise ship ang
bibisita sa isla sa susunod na buwan.
No comments:
Post a Comment