Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Inilabas na ng Public Employment Service Office (PESO)
Aklan ang bagong proseso sa pagkuha ng NBI Clearance.
Dito nakasaad na kinakailangan lamang na
mag-register sa Official NBI Clearance Online Application Website kung saan kasama
sa pag fill-up ng eClearance Form, ang pagtala ng registration code bago ang
pag-print ng mga ito saka lalagyan ng date at pirmahan.
Kapag natapos na umano ay maari nang dalhin ang mga
nasabing form sa Aklan Provincial PESO, kasama ang dalawang valid IDs, pero kailangan
munang siguraduhin na may Endorsement Letter mula sa Provincial PESO para
mapabilis ang pag proseso ng clearance.
Samantala, binigyang linaw din ng PESO ang mga
aplikante na kailangan paring magtungo sa NBI Iloilo, Fort San Pedro, Iloilo
City para sa issuance ng nasabing clearance.
Ang PESO- Aklan, sa pakikipagtulungan ng Aklan
Provincial Government at ng National Bureau of Investigation (NBI) Western
Visayas Regional Office ay magsasagawa ng ganitong proseso hanggang sa muling
maibalik ang NBI satellite office dito.
No comments:
Post a Comment