Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang magiging komportable na ang mga turista at
biyaherong dadaan sa Tambisaan Port sa Manoc-manoc sa pagsapit ng Habagat.
Ayon kay Manoc-manoc Barangay Captain Abram Sualog, naipaayos
na rin nila ang natibag na bato na bahagi ng pantalan na nasira nitong mga
nakarang buwan matapos hampasin ng malalakas na alon dulot ng hanging habagat.
Maliban dito ipapaayos na rin umano nila ang bubong ng nasabing
pantalan na sinira ng bagyong Yolanda.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Sualog na magiging safe
ang mga pasaherong dadaan dito pagsapit ng habagat.
Ang Tambisaan Port ang siyang nagsisilbing pantalan para
sa mga pasaherong turista o residente man ng Boracay kapag dumating ang Habagat
Season.
No comments:
Post a Comment