Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Mabilis na inaksyunan ng Aklan Electric Cooperative
(AKELCO) ang mga nasirang kontador sa Boracay makaraang manalasa ang super
typhoon Yolanda.
Ayon kay Kenneth Roque, lineman ng AKELCO-Boracay
Substation.
Ang nasabing ahensya ay nagbaba ng isang memo na
humihiling sa mga empleyado nito na huwag munang magkaroon ng day-off upang
agad na maibalik sa normal ang supply ng kuryente sa isla.
Aniya, nasa mahigit limampung mga kontador ang kanilang
na pull-out at nai-record.
Samantala, isa umano sa kanilang mga problema ngayon
ay ang low voltage kung saan muli silang kumukuha ng suplay ng kuryente sa Panit-an
Capiz.
Dagdag pa ni Roque, pinagsisikapan ngayon ng AKELCO
na tuluyan nang maibalik sa normal ang supply ng kuryente sa Boracay at iba
pang bayan sa Aklan.
Sa kabilang banda, sinabi rin nito na kung sakaling
nakararanas ng power interruption ang publiko ito’y dahil sa Panit-an Capiz o
NGCP Nabas pa nagmumula ang suplay.
No comments:
Post a Comment