Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Inaasahang lalakas pa ang kampanya ng Boracay PNP laban
sa ipinagbabawal na droga.
Ito umano kasi ang adbokasiya ng bagong Boracay PNP Chief
na si PSInspector Mark Evan Pedregosa Salvo para sa isla.
Magkaganon paman, aminado si Salvo na kailangan nito ang
kooperasyon ng publiko, iba’t-ibang ahensya at maging ng mga taga pribadong
sektor sa isla, para mabawasan kung hindi man tuluyang masugpo ang illegal na
droga.
Samantala, maliban sa pagsugpo sa illegal na droga,
tututukan din umano nito ang illegal gambling sa isla.
Kasalukuyan namang nagko-courtesy call sa iba’t-ibang
ahensya ng pamahalaan at mga taga pribadong sektor si Salvo na halos dalawang
linggo pa lamang umupo bilang hepe ng Boracay Tourist Assistance Center.
No comments:
Post a Comment