Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
May bagong modus na naman ang mga salisi ayon sa Boracay
PNP.
Ito’y may kaugnayan sa nangyaring pagnanakaw umano sa
isang hotel sa Barangay Balabag kagabi.
Base sa imbistigasyon ng Boracay PNP sa supervisor ng
nasabing hotel.
Bandang alas diyes kagabi nang may dumating na dalawang
lalaki at nagtanong kung magkano ang pinakamurang upa sa kuwarto doon.
Sinamahan umano nito ang isa sa mga suspek upang ipakita
ang kanilang fan room, habang naiwan sa reception area ang kasama ng kawatan.
Samantala, iniwan ng hindi nakilalang lalaki ang dalang
bag sa loob ng itinurong kuwarto, matapos mapaniwala ang supervisor na iyon ang
kanilang uupahan.
Nang pabalik na umano ang supervisor at ang suspek sa
reception area.
Nag-alibi (alibay) naman ng huli na baka pumunta sa isang
disco bar ang kanyang kasama, kung kaya’t umalis din ito.
Kinalauna’y nagulat na lamang ang ‘bisor’ nang
matuklasang wala na sa kanilang reception desk ang kanilang built-in laptop, at
putol na rin ang cord nito.
Naniniwala naman ang mga otoridad na bagong modus nga ito
ng mga salisi, nang matuklasang tila mga ninakaw na damit lamang ang laman ng
iniwang bag ng mga salarin, kapalit ng nakulimbat na laptop.
No comments:
Post a Comment