Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Suportado ng LGU Malay ang replanting activity ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa
vegetation area ng Boracay.
Katunayan, ayon kay SB Member Rowen Aguiree.
Maganda ang vegetation area kung kaya’t nararapat na
alagaan at panatilihing maraming halamang nakatanim.
Ang pagtatanim pa nga umanong ito ang isa sa mga mabisang
paraan at upang maiwasan ang soil erosion sa isla.
Nilinaw din ni Aguiree na hindi ipinagbabawal ang
pagtatanim ng mga puno sa vegetation area, kung pinapayagan naman ng mga
establishment owners.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng replanting
activity ang BFI sa vegetation area ng isla sa darating na Sabado.
No comments:
Post a Comment