Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbabala ngayon ang Philippine Coastguard (PCG) sa mga naliligo
sa Boracay dahil sa dalawang insidente ng pagkalunod nitong Sabado.
Ayon kay Chief Petty Officer Ronie Hiponia, OIC Station
Commander ng PCG Caticlan, Kinilala ang isang biktima na si Kirby Gargantano, disi-nueve
anyos ng San Juan, Ilo-ilo City.
Mabuti nalang umano at may mga naka-antabay na coastguard
at life guard sa nasabing lugar.
Agad umano itong isinugod sa malapit na pagamutan,
matapos muntikang malunod dahil sa malakas na alon sa station 2.
Maliban dito, dahil din sa malakas na alon ang muntikang
pagkalunod ng isang trenta y-uno anyos na bakasyunistang Arabo sa station 1
nitong araw din ng Sabado.
Payo ni Hiponia, mas mabuti na huwag nalang maligo kung
medyo may kalakasan ang alon dala ng hanging habagat para maiwasan ang
insidenti, at sundin ang mga paalala ng mga life guard na nakaantabay sa mga
dalampasigan.
No comments:
Post a Comment