Ni Jay-ar M. Arantr, YES FM Boracay
Bibigyang pansin ng jetty port administration ang mga
binabahang kalsada sa Boracay lalo na sa Baranggay Manoc-manoc.
Ayon kay Caticlan Administrator Nieven Maquirang, makikipag-usap
umano siya sa pamunuan ng Boracay Island Water Company (BIWC) para mabigyang
pansin ang mga binabahang kalsada sa nasabing lugar bilang paghahanda sa
pagdating ng cruise ship sa Oktobre.
Aniya, kailangang maging maganda ang mga kalsadahin sa
Boracay lalo na at dito dadaan ang mahigit isang libong mga turistang sakay ng
nasabing cruise ship.
Ilan naman sa mga binabahang kalsadahin sa brgy.
Manoc-manoc ay sa may Sitio Angol at Sitio Ambulong gayon din sa may brgy.
Balabag an gang porsyon ng Manggayad Hi-way.
Sa ngayon magiging abala naman ang jetty port
administration sa iba pang lugar na pupuntahan ng mga travelers sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment