Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Inalmahan ng mga kapwa bading ang panghaharass at
pagnanakaw ng mga lady boy sa Boracay.
Ayon sa isang bading na itinago na lamang sa pangalang
‘Charry’, nakakasira sa imahin ng Boracay ang modus na ito ng mga pasaway na
bading sa isla.
Dagdag pa na nadadamay lamang umano ang kanilang grupo sa
ginagawa ng kanilang kapwa lady boy sa mga turista, kung kaya’t napag-iinitan
din sila ng mga otoridad.
Bagama’t aminado ito na hinahabol nila kung minsan ang
mga foreigner para makakuha ng kustomer.
Mariing itinanggi ni ‘Charry’na hindi nila hina-harass at
pinagnanakawan ang mga nasabing turista.
Itinuturing na sakit sa ulo ng mga otoridad ang mga lady
boy sa Boracay, na pauli-ilit na nagnanakaw at nambibiktima ng mga lasing na
foreigner pagsapit ng hatinggabi at madaling araw.
No comments:
Post a Comment