Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Si Island Administrator Glenn Sacapaño na ang mangunguna
sa mga pagpupulong ng Boracay Redevelopment Task Force at Boracay Environmental
Task Force.
Ipinasa na kasi kay Sacapaño ang chairmanship ng mga
nasabing task force sa pamamagitan ng Executive Order ni Mayor John Yap na
nilagdaan nitong nagdaang linggo.
Ito ang kinumpirma ni Malay Municipal Engineer Elizer
Casidsid, kaugnay sa Executive Order number 014 series of 2013.
Nakasaad sa dalawang pahinang E.O ang agarang paglipat
kay Sacapaño ng mga nasabing chairmanship, upang mapabilis ang pagpapatupad ng
mga batas at ordinansa, partikular na sa 25+5 meter easement sa Boracay.
Pabor din naman umano kay Casidsid ang paglipat ng
chairmanship kay Sacapaño, upang matutukan nitong lalo ang trabaho sa kanyang
departamento.
No comments:
Post a Comment