Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Iniimbistigahan pa ang brutal na pagpatay sa mag-ina sa
bayan ng Kalibo.
Sa inisyal na report, pinatay ang mag-ina ng pinaniniwalaang
akyat-bahay gang na sinasabing nanloob sa kanilang bahay sa Baragay Tigayon,
Kalibo, Aklan.
Natagpuan sa stock room na may tama ng taga sa ulo ang
ina, habang duguan ang anak na nakatalukbong pa ng kumot sa kanyang kama.
Nabatid na sinira ang bakurang kawayan sa likuran at sa
main door ng bungalow type na bahay na tinutuluyan ng mga biktima na
hinihinalang dinaanan ng mga hindi pa nakilalang suspek.
Kasalukuyan namang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng
kapulisan sa nasabing insidente at ang posibleng motibo ng krimen.
No comments:
Post a Comment