Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Halos mapaluhod sa pasasalamat ang isang Korean national sa
Boracay, matapos isauli ng isang traysikel drayber ang kanyang wallet.
Nabatid na mahigit kuwarenta’y singko mil pisos ang laman
ng wallet na isinauli naman ng nasabing drayber sa himpilan ng YES FM Boracay nitong
hapon.
Ayon traysikel drayber na si Roldan Bito-onon, hindi sa
kanya ang pera kung kaya’t nararapat lamang na isauli niya ito.
Bagama’t aminado rin si Bito-onon na hindi niya kikitain
sa loob ng isang buwan ang ganoon kalaking pera, subali’t nararapat pa rin
umanong maibalik ito sa may-ari.
Kaugnay nito, may pagmamalaki namang hinimok ni Bito-onon
ang kanyang mga kapwa drayber na maging tapat at tularan ang kanyang ginawa.
Nabatid na hinanap ng nasabing turista ang kanyang wallet
sa terminal ng mga traysikel, matapos umano itong maiwan sa minamanehong
traysikel ni Bito-onon.
kyrie shoes
ReplyDeletegolden goose
goyard bag
off white t shirt
gap yeezy
hermes
a bathing ape
off white hoodie
off white x jordan 1
yeezy