Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang ipo-ipo umano ang tumama sa may Tabon Port sa
Caticlan nitong araw ng Sabado bandang alas-singko ng hapon.
Ilan sa mga mismong nakakita dito ay ang mga turistang sasakay ng bangka papuntang Tambisaan port.
Ayon naman sa Philippine Coastguard ito ay naganap sa
kalagitnaan ng karagatan ng Tabon at Tambisaan port.
Wala naman anilang tinamaan at nasaktan sa nasabing
paghagupit ng ipo-ipo.
Ayon naman sa mga naka saksi bigla nalang dumilim ang
paligid sa lugar ng port kung saan nakadaong ang mga bangka.
Basi sa nakuhang impormasyon bigla nalang humagupit ang
malakas na hangin kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Agad namang naging alerto ang mga bangkero sa nasabing
lugar at sinigurado ang kaligtasan ng mga pasaherong pupuntang Boracay.
Samantala, inalerto naman ng PCG ang mga bangka sa
nasabing lugar.
No comments:
Post a Comment