Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinakailangan umanong dagdagan ang mga pulis kung kinakailangan
para sa pagdating ng cruise ship sa Oktobre disi-siyete.
Ito ang kinumpirma ni Aklan Governor Florencio Miraflores
sa ginawang meeting nitong miyerkules sa governor’s office sa bayan ng Kalibo
kasama ang ilang mga stakeholders ng Malay at Boracay.
Aniya, higit na importante ang siguridad ng mga travelers
na sakay ng Superstar Gemini na bababa papuntang isla ng Boracay, sa mismong
araw ng pagdating ng cruise ship.
Kinakailangan umano na may mga nakabantay na mga pulis at
Red Cross sa mga lugar na pupuntahan ng mga bisita.
Kabilang dito ay i-dideploy din sila sa bawat kalsadahin
na dadaanan ng mga nasabing manlalakbay simula sa Cagban jetty port.
Sinabi pa nito kay mismong Boracay PNP Chief PS/Insp.
Joeffer Cabural na kung kinakailangan nila ng tulong ay lumapit lamang ito sa
kaniya, lalo pa’t ayaw nito na may mangyaring untoward incident sa pagbisita ng
Superstar Gemini.
No comments:
Post a Comment