Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakatakdang ilunsad ng BFI o Boracay Foundation
Incorporated ang Tree Planting Activity sa vegetation area ng Boracay sa
darating na Sabado.
Ito’y may kaugnayan sa layunin ng BFI na maibalik sa
dating anyo ang isla sa natural nitong kagandahan.
Kaya naman nag-aanyaya ito sa mga establisemyento sa
beach front na suportahan ang nasabing layunin, sa pamamagitan ng pagbibigay daan
na makapagtanim ng puno ng niyog ang nasabing grupo.
Inaasahang ang mga volunteers kasama ang mga taga LGU
Malay ang gagawa ng panibagong kasaysayan sa isla, sa pamamagitan ng
pagtutulungan sa araw ng Sabado.
Ayon pa sa BFI, magiging malaking tulong na kahit sinumang
empleyado ng mga establisemyento doon ang magpakita ng suporta sa nasabing
aktibidad.
No comments:
Post a Comment