Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinainis ng mga motorista ang matinding trapiko sa Baranggay
Caticlan kahapon dahil sa sama ng panahon at sa kinukumpuning kalsada ng
nasabing lugar.
Halos umabot sa isang oras ang naging trapiko dahil sa mahahabang
pila ng malalaking sasakyan na sasakay sa roro sa Caticlan jetty port.
Naging dahilan din ang malakas na buhos ng ulan at sa
ginagawang kalsada sa nasabing lugar.
Dahil dito, ikinadismaya ng mga motorista ang matinding trapik
na hindi naman kadalasang nangyayari sa nasabing lugar.
Nainis naman ang mga pasahero ng ilang sasakyan dahil sa
sobrang bagal ng takbo ng trapiko doon.
Kabilang sa mga nadismaya ay ang mga turistang
nagmamadaling makahabol ng kanilang flight papuntang Caticlan airport at Kalibo
airport.
Nagsimula naman ang trapiko sa boundary ng bayan ng Malay
at Nabas papasok ng Caticlan jetty port at patungong Tambisaan port.
No comments:
Post a Comment