Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tuloy na sa araw ng Sabado ang gagawing replanting ng LGU
Malay at BFI sa ilang lugar sa isla ng Boracay.
Ayon kay BFI Executive Director Pia Miraflores, bandang
alas-otso ng umaga magsisimula ang nasabing aktibidad kung saan lalahukan ito
ng mga kasali sa beach cleanup sa Boracay.
Aniya, ang LGU Malay ang siyang nagsagawa ng replanting
activity sa pangunguna ng may bahay ni Mayor john Yap.
Naglaan umano sila ng dalawang daang niyog na itatanim sa
Sitio Angol sa baranggay Manoc-manoc.
Nagpaalam naman umano sila sa ilang mga resort owners sa
harap ng vegetation area upang makapag tanim sila puno ng niyog doon.
Nauna namang sinabi ni SB Member Rowen Aguiree na
suportado nila ang gagawing ito ng LGU Malay at ng Boracay Foundation
Incorporated (BFI) sa vegetation area ng Boracay.
Maganda umano ang vegetation area kung kaya’t nararapat
na alagaan at panatilihing maraming halamang nakatanim.
Samantala, maari umanong sumali ang lahat ng may gusto sa
kanilang gagawing Replanting Activity sa Sabado.
No comments:
Post a Comment