Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Passion at commitment.
Ito ang tanging inspirasyon ng Boracay Tourist Assistance
Center o BTAC sa kabila ng problemang kinakaharap ngayon sa kanilang mga
pasilidad.
Nabatid na nawawalan kung minsan ng suplay ng kuryente
ang BTAC kapag malakas ang ulan, dahil natutuluan ang linya ng kanilang
kuryente.
Apektado tuloy maging ang paggamit nila ng computer lalo
na sa pag-i-encode ng mga blotter reports.
Tumutulo din ang tubig mula sa ikalawang palapag ng
estasyon dahil sa mga palpak na linya ng tubo doon, habang no choice naman sa
paggamit ng comfort room ang mga pumupunta sa BTAC kahit sira ang mga ito.
Samantala, ayon kay Boracay PNP Chief Police Senior
Inspector Joefer Cabural, huminge na rin umano sila ng assistance sa kanilang
higher headquarters upang maayos ang matagal nang mga problema.
Iginiit naman ni Cabural na hindi ito handlang para
mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga mamamayan sa isla ng Boracay.
Ang kanilang passion at commitment aniya ang dahilan kung
bakit naibibigay pa rin nila ang kanilang buong serbisyo.
Sa kasalukuyan, ay ginagawan ng paraan ng BTAC na hindi
maapektuhan ang kanilang operasyon, hangga’t hindi pa dumarating ang sagot sa
ipinadala nilang request.
No comments:
Post a Comment