Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Plano umanong palakihan ngayon at pagandahin pa lalo ang
Cagban Jetty Port sa Baranggay Manoc-Manoc sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ni Aklan Governor Florencio Miraflores
sa ginawang meeting nitong miyerkules kasama ang mga concern agencies sa
pagdating ng cruise ship sa Oktobre dise-siyete sa Boracay.
Aniya, isa ito sa bibigyan nila ng pansin para mapaganda
pa ang nasabing pantalan na magiging kahalintulad narin ng Caticlan jetty port.
Sa ngayon umano ay plano nila itong umpisahan sa susunod
na taon bilang paghahanda na rin sa mga susunod pang pupuntang mga crusie ship sa
karagatan ng Boracay.
Nabatid naman na maglalagay doon ng isang sikat na pasalubong
center na kalimitang nakikita sa mga airport sa bansa.
Una ng sinabi ni Jetty Port Statistician at assistant to
the administrator Mars Bernabe na isasarado na ito at magiging air-conditioned na
ang nasabing pantalan.
Kabilang pa sa mga plano nila ay ang paglalagay ng island
check-in at ilan pang pasilidad para sa mga turista.
Samantala, sinabi naman ni Miraflores na gagawin nila ang
lahat para sa ikakaganda ng probinsya ng Aklan at ng isla ng Borcay.
No comments:
Post a Comment