Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpaliwanag na ang pamunuan ng TransAir ng Caticlan
Airport sa ginawang SB Session nitong araw ng Martes sa bayan ng Malay.
Ito’y may kaugnayan sa nangyayaring trapiko sa
isinasarang National road patungong bayan ng Malay sa tuwing may mag-lalanding
at mag ta-take off na eroplano sa nasabing airport.
Humarap naman ang mismong Manager ng TransAir na si Bong
Tirol para ipaliwanag sa mga konsehal ang kanilang pamamalakad doon.
Aniya, ginagawa nila iyon para maiwasan ang insidente na
dulot ng malakas na hanging ibinuboga ng mga eroplanong mag-lalanding at mag
ta-take off.
Dagdag pa ni Tirol, kaya umano nila ito isinasara agad
dahil rin sa inilalabas na oras ng mga operator at sa tamang pag control ng mga
piloto.
Dito napag-usapan din nila ang kanilang magiging plano
kung paano magiging magaan ang trapiko doon.
Tinanong pa ni Sb Member leal Gelito kung nasa plano ba nila
ang paglalagay ng underground sa ilalim ng kalsada sa nasabing lugar.
Saad naman ni Tirol, pwedi naman ito pero kinakailangan
pa nila ng mas masusing pag-aaral kung paano mauumpisahan.
Nauna ng nagbigay ng privilege hour ni SB Member Jupiter
Gallenero tungkol dito dahil halos na-lalate sila ng halos ilang minuto sa pagpasok
ng trabaho.
Samantala, nangako naman ang pamunuan ng TransAir na
gagawin nila ang lahat para masulosyonan ang nasabing problema.
No comments:
Post a Comment