Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang pagsisimula ng gun ban para sa nalalapit na
baranggay election sa Oktobre a bente-otso.
Nabatid na suspendido ang permit to carry of firearms
outside residence at ang pinapayagan lamang na magdala ng baril ay ang
nakakakuha ng Comelec gun ban exemption.
Ipinaaalala naman ni Atty. Villanueva sa taongbayan na sumunod
sa patakaran upang hindi magsisi sa huli.
Sa kabilang banda, kasado na rin sa paghahanda ng Aklan
Provincial Police Office (APPO) para sa darating na election.
Ayon kay Aklan Provincial Police Office Public
Information Officer P03 Nida Gregas, mas paiigtingin pa nila ang kanilang gagawing
siguridad ngayon.
Aniya ang pag-inom umano ng alak at ang pagdala ng mga anumang
nakakamatay na bagay sa panahon ng gun ban ay magkakaroon ng mabigat na parusa
basi narin sa kauutusan ng Comelec.
Panawagan naman
nito sa lahat na maging masunurin sa batas ng PNP at Comlec para sa
matiwasay na eleksyon.
Samantala ang gun ban ay inaasahang magtatapos sa November 12, dalawang Liggo matapos ang halalan.
No comments:
Post a Comment