Posted January 15, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tututukan ngayon ng Aklan Provincial Government ang
pagkakaroon ng mga training at seminar ng mga tourism officers sa probinsya.
Ayon kay Aklan Provincial Tourism Operations
Officer Carina Ruiz, ito’y bahagi umano ng ginagawang “concrete measures” para
masiguro ang patuloy na pagdami ng mga dumadalaw na turista lalo na sa isla ng
Boracay.
Anya, patuloy na pinagbubuti ng pamahalaang
probinsyal ang lahat ng magagawa nito para masiguro maging ang kaligtasan ng
mga turista at hindi dapat ipawalang bahala ang mga “unfortunate incidents” na
nangyari sa mga nakalipas.
Samantala, sinabi pa nito na sa pamamagitan din ng
mga programa at proyekto kasama ang Department of Tourism (DOT) Region VI ay
lalo pang maipapakilala ang iba pang mga naggagandahang lugar sa Aklan
maliban sa Boracay.
Magugunita naman na sinabi ng Aklan Provincial
Tourism Office na nasa 1.7 milyon ang target na tourist arrival ngayong taong
2015.
No comments:
Post a Comment