Posted January 14, 2015
Ni Bert Dalida, YES
FM Boracay
Kaugnay nito, parami nang
parami na rin ang mga empleyadong nagpo-proseso ng police clearance.
Katunayan,
kapansin-pansin ang mahabang pila ng mga trabahador na nagpapakuha ng litrato
para naman sa kanilang bio data na siya namang kailangan para sa police
clearance.
Ayon kay ‘Jun’ ng
isang Photo Printing Service sa D’mall, nitong January 3, 2015 pa nagsimula ang
pagdatingan ng kanilang mga customer na nagpapalitrato para sa renewal ng
business permit.
Kaya naman ang 40
regular na bilang ng kanilang customer, umaabot na ngayon sa mahigit 100.
Samantala, kaugnay
nito, nabatid na nagsimula na rin ang pagdami ng mga empleyadong pumupunta sa
himpilan ng Boracay PNP para magproseso ng police clearance.
Paalala naman ni
Malay Administrator Godofredo Sadiasa kahapon sa mga magre-renew ng business
permit na agahan ang pagproseso nito upang hindi matagalan.
No comments:
Post a Comment