Posted January 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Photo credit by Boy Ryan Zabal |
Mistulang naging blessing para sa bayan ng Malay
ang pagdating kahapon sa bansa ni Pope Francis.
Nasungkit kasi ng mga ito ang 1st place sa Best in
Higante at Best in Mass Presentation.
Kaya naman, ganoon na lamang ang pagkatuwa ng mga taga
Malay at lahat ng nakibahagi sa Aklan Festivals Parade and Higante Contest nang
makita ang Papa matapos itong lumapag sa Villamor Air base kahapon ng
hapon.
Kaugnay nito, sinabi ni DepEd Malay Public Schools
District Supervisor Jessie Flores na hindi lamang ito karangalan ng Malay kundi
ng buong Aklan.
Ito’y matapos na ipakita din ang agaw eksena na
imahen ni Pope Francis sa isang malaking news channel at network sa bansa.
Samantala, naging viral din sa ilang mga social
networking sites ang nasabing higanteng imahen ng Papa sa Aklan.
No comments:
Post a Comment