Posted January 13, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dinala sa himpilan ng Boracay PNP ang isang grupo
ng Taiwanese at pinoy matapos magrambol sa isang bar sa Boracay kaninang
madaling araw.
Ayon sa report, mismong ang bouncer ng nasabing bar
ang nagreklamo sa mga pulis dahil sa eskandalong idinulot ng nagrambol na grupo.
Nagpanic kasi ang iba pang guest doon at maging ang
mga residente sa lugar nang magsimula ang gulo sa pagitan ng grupo ni Po Hua
Lin, Taiwanese national at grupo naman ni Orphovious Slae ng Talisay City
Negros Occidental.
Nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang
magkabilang grupo dulot ng rambol.
Samantala, nang sa himpilan naman ng BTAC ay
nagkasundo ang mga itong sa pagitan na lamang nila aayusin ang gulo.
No comments:
Post a Comment